OVERCHARGE | LTFRB, pinatatawag ang TNC na Hype

Manila, Philippines – Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bagong ride-hailing company na Hype Transport Systems Inc.

Ito ay kaugnay sa mga ulat na nagpapatupad ang Hype two pesos per minute travel time charge na walang authorization.

Ayon sa LTFRB, dapat tumugon ang Hype sa loob ng limang araw matapos nilang matanggap ang kautusan.


Pagpapaliwanagin ang Hype kung bakit hindi nararapat na suspendehin o i-revoke ang kanilang certificate of accreditation bilang Transport Network Company (TNC).

Ang Hype ay dapat naniningil lamang ng 40 pesos na base fare at 14 pesos per kilometer na additional charge na walang per minute rate.

Inatasan ang Hype na dumalo sa nakatakdang pagdinig sa July 24, alas-9:00 ng umaga.

Nitong Abril ay inaprubahan ng LTFRB ang accreditation ng Hype bilang bagong Transport Network Company (TNC).

Facebook Comments