OVERCHARGING | Grab Philippines, pinagmumulta ng P10-M ng LTFRB

Manila, Philippines – Pinagmumulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P10 milyon ang Transport Network Company (TNC) na Grab.

Ito ay dahil sa kanilang “overcharging” o pagsingil ng 2 pesos per minute waiting time nang walang paghintulot ng regulatory body.

Maliban rito, ipinasasauli rin sa mga pasahero sa pamamagitan ng rebates ang mga nasingil na extra charge mula noong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018.


Pirmado ang desisyon nina LTFRB Chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Cruz.

Habang tanging si Atty. Aileen Lizada lang ang hindi pumirma o naghain ng dissenting opinion.

Magkakabisa ang reimbursement sa mga naging pasahero dalawampung araw pagkatapos na maging epektibo ang kautusan ng LTFRB.

Mayroon namang 15 araw para maghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang Grab.

Samantala, sinabi naman ni Leo Gonzales, Grab Philippines public affairs head na pag-aaralan pa ng kanilang legal team ang utos ng LTFRB at mag-iisyu sila ng statement sa takdang panahon.

Facebook Comments