OVERCHARGING NG ILANG TRICYCLE DRIVERS SA CALASIAO, INIREREKLAMO

Inirereklamo ng ilang mananakay sa bayan ng Calasiao ang overcharging ng ilang tricycle drivers sa bayan.

Ayon sa ilang pasahero, mahigit doble sa minimum fare na bente pesos ang sinisingil umano sa mga ito.

Giit naman ng ilang tricycle drivers, colorum lamang ang mga gumagawa ng mas Doble pa sa minimum na singil dahil sinisiguro ng mga ito na sumusunod sila sa itinakdang fare matrix.

Ayon naman sa POSO Calasiao, maari umanong isumbong ang naturang reklamo sa kanilang himpilan upang matugunan ang mga ganitong klase ng insidente ng pananamantala sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments