OVERDOSE | Singer na si Demi Lovato, nagkamalay na

Hollywood — Nagkamalay na ang american singer na si Demi Lovato matapos isugod sa ospital sa Los Angeles, California dahil sa drug overdose.
Ayon sa kampo ng singer, kasama na nito ang kanyang pamilya at nagpapasalamat sila sa lahat ng mga nagdasal na maging mabuti ang kalagayan nito.
Pero, hiling muna ng pamilya Lovato na magkaroon ng privacy habang nagpapagaling pa si Demi at iwasang paniwalaan ang lahat ng bersyon ng mga balita dahil ilan daw dito ay hindi totoo.
Matatandaan na nitong mga nakalipas na buwan ay dumanas si demi sa labis na paggamit ng illegal substance kung saan minsan din itong dinala sa treatment center.

Facebook Comments