OVERDUE LOAN | SSS, muling magpapatupad ng loan restructuring program

Manila, Philippines – Muling magpapatupad ng Loan Restructuring Program (LRP) ang Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS President and CEO Atty. Emmanuel Dooc, sisimulan ito sa Abril hanggang sa buwan ng Oktubre para bigyan ng pagkakataon na i-update ang overdue loan at interest depende sa kapasidad.

Aniya, hindi na sisingilin ang mga penalties sa oras na makumpleto ang pagbabayad sa restructured loan.


Saklaw ng LRP ang mga may loan accounts na gaya ng salary, emergency, educational loans at iba pa tulad ng Y2K, at investments incentive loans.

Nilinaw naman ni Ma. Luisa Sebastian, SSS Assistant Vice President for Media Affairs, hindi dapat 65 years old, hindi retirado at hindi rin nakasama sa unang LRP ang pwedeng maka-avail nito.

Sa ilalim ng LRP, nasa 3 percent na lang ang magiging interest na babayaran sa magiging loan na pwedeng bayaran hanggang limang taon.

Facebook Comments