Pahirapan ngayon ang mga residente na karamihan ay mga magsasaka sa Brgy. Dinganen Buldon Maguindanao matapos masira ang overflow bridge dahil pa rin sa walang tigil na pag ulan.
Sinasabing bumigay ang approach ng tulay kung kayat pansamatala itong isinara sa mga motorista at publiko ayon pa kay Dinganen Chairman Rufo Capada.
Ang nasabing tulay ay nadurudtong sa mga barangay ng Buldon at Pigcawayan sa North Cotabato.
Kaugnay nito, maswerteng nakaligtas ang isang residente ng barangay matapos subukang tawirin ang tulay kaninang umaga habang tila nanggagalaiti ang umaapaw na ilog resulta ng pagkasira ng kanyang bagong Toyota Hilux .
Kasalukuyang buwis buhay naman ang ginagawa ng mga residente lalo na ng mga istudyante para makatawid sa overflow bridge.
Agad namang tinungo ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang tulay kaninang umaga kasabay ng panawagan ng agarang tulong mula sa Provincial Government at DPWH ARMM .
Sa record ng Baranggay at PNP di bababa sa 10 ang namamatay sa nasabing overflow bridge sa mga naunang panahon ng pag-ulan at pagbaha.