OVERHAUL | Functions ng NFA, planong palawakin ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Plano ng Department of Agriculture (DA) na palawakin pa ang function ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Piñol, maituturing na ‘malaking trahedya’ para sa NFA bilang isang rice agency kung saan ang trabaho lamang nito ay mag-angkat ng bigas na nababahiran ng korapsyon.

Giit pa ng kalihim, hindi lang dapat rice importing o rice price stabilizing agency ang NFA.


Ang NFA aniya ay dapat ma-overhaul sa paraang tatayo ito bilang national agricultural export agency para sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa ngayon, ang Office of the President o mismo si Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang mamamahala ng NFA.

Facebook Comments