Nanawagan ang Philippine Business for Education (PBED) na magkaroon ng ‘overhaul’ o pagbabago ng sistema sa pagtuturo ng teacher education.
Ito ay makaraang lumabas sa pag-aaral ng grupo na 40% lamang ng mga indibidwal na kumuha ng Licensure Examination for Professional Teachers (LET) ang pumasa sa pagsusulit sa nakalipas na 12 taon.
Ayon kay PBED Executive Director Justine Raagas, dapat na pag-aralan ng education sector ang pagpapatupad ng 3-strike rule.
Ibig sabihin, kapag tatlong beses na hindi nakapasa sa LET ang isang teaching graduate ay kinakailangang kumuha muli siya ng refresher course.
Maliban dito, inirekomenda rin ni raagas na pag-aralan ang pagpapasara sa mga teacher education institutions (TEI) na low performing o nakapagtatala ng zero passing rate.
Lumabas din kasi sa pag-aaral ng pbed na 56% ng 2,356 na mga TEI ang may mababang passing rate.
Kasama rin sa rekomendasyon ng grupo ang posibilidad na alisin na ang LET sa halip ay maging istrikto na lamang pagdating sa kalidad ng mga TEI.