OVERHEAT | Isang sasakyan, nasunog sa southbound lane ng SLEX

Nasunog ang isang saksakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX).

10:00 kagabi nang masunog ang isang CRV 2008 model habang papunta ito ng Susana Heights exit.

Agad naman tumulong ang mga motorista na sina John Rey Valdez at Dominic Camara kaya at naapula ang apoy makalipas ang kalahating oras.


Sinasabing nag-over heat na makina ang dahilan ng sunog at swerte naman nakaligtas ang hindi na nagpakilalang driver ng SUV pero hindi na nito mapapakinabangan pa ang makina ng kaniyang sasakyan.

Facebook Comments