Mandaluyong City – Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kaso ng mistaken identity sa Mandaluyong City.
Dahil ito sa tila overkill na operasyon ng Mandaluyong PNP sa isang sasakyan sa kanto ng Shaw Boulevard at Old Wack-Wack Road kung saan dalawa ang namatay at ikinasugat ng dalawang iba pa.
Sa inisyung Department Order no. 822 ng kalihim, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng case build-up laban sa mga sangkot na pulis.
Iniutos din sa NBI ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot na pulis kung may ebidensya laban sa mga ito.
Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanya ng report ng magiging findings sa imbestigasyon.
Lumalabas na sablay ang nasabing operasyon dahil ang pinagbabaril na mga pasahero mula sa puting mitsubushi adventure van ay isang kaso ng mistaken identity.