Puspusan ang isinasagawang massive information drive ng `Cotabato City Government at traffic management unit (TMU) personnel sa lungsod hinggil sa pagbabawal ng overloading ng motorsiklo at pagbabawal na mag-angkas ng bata na wala pang 10 taong gulang.
Sa panayam kayng DXMY kay City Public Safety Officer Rolen Balquin, kanilang ipinapabatid sa publiko na ang dapat lamang na sakay ng single motorcycle ay ang driver at isang angkas lamang nito.
Ipinagbabawal ang pag-angkas ng wala pang sampung taong gulang lalo na kung hindi pa nito naaabot ang apakan ng motorsiklo.
Sinabi pa ni Balquin na habang pinapanday pa at masusing sumasailalim pa sa deleberasyon ng Sangguniang Panlungsod ang local traffic code ay paiigtingin na muna nila ang kanilang information drive tungkol dito.
Sinabi pa ni Balquin na nakapaloob din sa pina-finalize na local motorbike traffic code ng SP ang pagbabawal sa mga buntis na umangkas sa motorsiklo lalo na kung may kalakihan na ang tyan ng isang nagdadalangtao.
Ipagbabawal na rin ang pagsakay sa motorsiklo ng hindi magkamag-anak, bawal na sa mga habal-habal na umangkas ng hindi kakilala dahil sa kanilang barangay lamang naman sila pinahihintulutang bumiyahe at hindi sa national highway dagdag pa ni BALQUIN.
Ang layunin ng mga ito ay ang kaligtasan ng publiko, motorista lalo na ng mga bata pagbibigay diin ni Balquin.
Bawal din ang pagmamaneho ng motorsiklo kapag nakasando, nakashort at nakatsinelas lamang kapag dumaraan sa Main Highway ng syudad.(Daisy Mangod)
PIC: Chairman H.A