Sinuspinde muna ng MIAA anv overnight parking sa lahat ng NAIA Terminal parking areas.
Mananatili ang naturang suspension hanggang sa January 5, 2020.
Layon ng temporary interruption ng nasabing serbisyo na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mga motorista na makagamit sa parking areas ng NAIA terminals.
Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mas malaking volume ng mga pasahero sa paliparan ngayong papalapit ang Bagong Taon at pagkatapos ng New Year kung saan mag-uuwian na ang mga galing ng probinsya at ang mga nagtungo ng Maynila ngayong holiday season.
Facebook Comments