Overpriced PPEs, pasok sa standard ng WHO – DOH

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na nakuha sa mababang presyo ang umano’y overpriced na Personal Protective Equipment (PPEs) na binili ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan batay sa inilabas na pahayag ng DOH, na-meet ng PPEs ang standard ng World Health Organization.

Nabatid na naglalaro sa P1,700 hanggang P2,000 ang presto ng mga PPEs na pasok sa dapat ng pondo na P2,000 kada unit.


Muling namang tiniyak ng DOH na pawang nasuri, beripikado at maayos ang mga PPES bago mapunta sa gobyerno.

Facebook Comments