‘Overpriced’ Remdesivir, pinabulaanan ng PHA

Pumalag ang Philippine Hospital Association (PHA) sa mga akusasyon na may ilang ospital sa bansa ang nagpapatupad ng overpriced na anti-viral drug na Remdesivir na ginagamit bilang treatment sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay PHA President Dr. Jaime Almora, ang presyo ng Remdesivir na ibinebenta sa mga ospital ay nakabatay sa presyong itinakda ng distributors.

Hindi patas aniya na akusahan ang mga ospital ng ganito.


Isinisisi nila sa Department of Health (DOH) kung bakit umalabas na parang nag-o-oveprice ang mga ospital.

Dagdag pa ni Almora, ang mga ospital ay nakabili ng Remdesivir mula sa mga distributor na nagkakahalaga ng halos ₱23,000.

Matatandaang, inihayag ng DOH na ang suggested retail price ng Remdesivir kada vial ay sa pagitan ng ₱1,500 hanggang ₱8,200.

Ang Remdesivir ay nangangailangan ng compassionate use permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments