Overpricing sa karneng baboy sa ilang palengke, sisilipin ng DA

Tiniyak ng Deparment of Agriculture (DA) na sisilipin nila ang mga ulat hinggil sa pagpapataw ng sobra-sobrang presyo sa karneng baboy.

Nabatid na itinakda sa ₱190 kada kilo ang suggested retail price ng pork.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakikipagtulungan na sila sa mga hog raisers para tugunan ang pagmahal ng presyo ng pork sa pamilihan.


Paniniguro ni Dar na sapat ang supply ng karneng baboy lalo na sa Visayas at Mindanao sa kabila ng epekto ng African Swine Fever (ASF).

Mahalaga ang papel ng Provincial o Local Price Coordinating Councils sa pagmo-monitor ng presyo ng basic agricultural commodities sa mga pamilihan.

Sa ngayon, pinaplano ng DA na magpatupad ng prize freeze sa basic agricultural products para matiyak na matatag ang presyo nito.

Facebook Comments