Overseas Absentee Voting, magsisimula na sa Linggo

Tinatayang 1.69 million Pilipino sa ibang bansa ang sasailalim sa overseas absentee voting (OAV) para sa 2022 election.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia, magsisimula ang OAV sa April 10 na alas-8:00 ng umaga para sa lahat ng foreign posts.

Anya, ang mga overseas voters ay maaaring bumoto hanggang Mayo 9, sa pamamagitan man ng liham o sa personal na pagboto sa Philippine diplomatic post sa kanilang lugar.


Gayunman, sinabi ni Garcia na apat lang sa bawat 10 diplomatic posts o polling places para sa overseas voters ang gagamit ng automated system.

Karamihan kasi sa mga ito ay magsasagawa ng manual voting.

Facebook Comments