Overseas Absentee Voting, umarangkada na

Opisyal nang sinimulan ngayong araw (April 13) ang Overseas Absentee Voting (OAV).

Ang mga rehistradong botanteng Pilipinong nasa abroad ay iboboto na ang kanilang 12 senador at isang party-list representative.

Ang OAV ay isasagawa sa mga lugar na authorized ng Commission on Elections (Comelec) o Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) at ibang designated voting centers, kabilang ang mga embahada ng Pilipinas, konsulada at iba pang Philippine government agencies maintaining offices.


Ang mga seafarer naman ay maaaring bumoto kung saanmang port dumaong ang kanilang barko na may itinalagang voting areas.

Sinuspinde naman ang OAV ang Baghdad, Iraq; Damascus, Syria at Tripoli, Libya dahil sa kaguluhan doon.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – wala pang tiyak na petsa kung kailan gagawin ang eleksyon sa tatlong lugar o magkakaroon pa ng botohan doon.

Paglilinaw naman ni Jimenez – pwede pa ring mangampanya ang mga kandidato sa ibang bansa pero online na lamang

May apat na paraan ng pagboto ang mga overseas workers: manual; automated; personal o postal.

Tinatayang higit 1.8 million na Pilipino ang registered overseas absentee voters kung saan pinakamarami sa Middle East at African Region.

Magtatagal ang OAV hanggang sa opisyal na araw ng halalan, May 13, 2019.

Facebook Comments