Overseas employment certificate, libre na para sa mga balik manggagawang OFW

Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na libre na ang overseas employment certificate para sa mga balik manggawang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa ahensya, tinanggal ang bayarin o fee para sa overseas employment certificate (OEC) epektibo noong Hulyo 29.

Hindi na rin iminamandato ang issuance ng official receipts para sa certificates.


Ang OEC ay minamandato mula sa lahat ng papaalis na OFWs para magsilbing exit clearance na dati ay kailangan pa na iproseso onsite at may charge na P100 na may bisa sa loob ng 60 araw.

Nagagamit din ito ng OFWs para ma-exempt mula sa pagbabayad ng travel tax at airport terminal fees.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng paglulunsad ng DMW ng “OFW Pass” application na maaaring gamitin ng migrant workers para ma-access ang digital at secure version ng OEC.

Facebook Comments