Overseas voter registration, magsisimula na sa September 1

Muling aarangkada bukas, September 1 ang overseas voter registration at certification.

Sa ilalim ng Resolution No. 10677, sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na ang pagsasagawa ng registration at certification sa Office for Overseas Voting (OFOV) sa Intramuros, Maynila ay gaganapin mula September 1 hanggang 30.

Sakop nito ang mga sumusunod na transactions at frontline services tulad ng pagkuha ng biometrics, reinstatement ng pangalan na inalis sa National Registry of Overseas Voters, pagbabago ng pangalan dahil sa kasal o utos ng korte, pagtama ng mga impormasyon sa Voter’s Registration Record, reactivation ng registration records, pagbago ng address at iba pang contact information, pag-update ng litrato at pirma at request para bawiin ang application for registration/certification na nakabinbin sa Resident Election Registration Board (RERB).


Tatanggap ang COMELEC ng registration at iba pang transactions mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, hindi kasama ang holidays at ito ay sa pamamagitan ng appointment basis.

Facebook Comments