Mananatiling suspendido ang overseas voter registration sa bansa hanggang May 14.
Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections Office for Overseas Voting (Comelec-OFOV) sa harap ng pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR plus.
Ang mga aplikante na may urgent travel needs ay hinihikayat na tumawag sa OFOV para sa kanilang tanong at concern.
Ang aasikasuhin lamang ng OFOV ay ang mga aplikanteng may urgent travel needs at mahigpit na susundin ang appointment schedule.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga aplikante sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng Facebook page, numbers at official email addresses.
Ang kanilang addresses ay overseasvoting@comelec.gov.ph o ov.concerns@comelec.gov.ph
Maaari rin silang tumawag sa 0951-875-9882 (Smart/TNT/Sun) o 0905-034-5158 (Globe/TM).