Sinuspinde na ng Commission on Elections (Comelec) En Banc ang voter registration sa Israel para sa 2025 Elections sa gitna ng tumitinding kaguluhan doon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, kanina ay napagdesisyunan ng Commission En Banc isispinde ang registration dahil ayaw nilang makompormiso ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Dagdag pa ni Garcia, indefinite ang magiging suspension at hindi pa nila napag-aaralan kung palalawigin ang voter registration.
Importante aniya muna sa ngayon na protektado at nasa maayos na kalagayan ang mga Pilipinong nasa Israel.
Sa datos ng Comelec noong National Elections 2022, may 13,364 Overseas Filipinos sa Israel ang Registered Voters, kung saan 7,871 ang nakaboto.
Habang nasa 9,906 Active Overseas Filipino registered voters naman ang naitala ng Election Registration Board Hearing mula July 17, 2023.