Overseas workers deployment, bumaba ng 75% dahil sa pandemya – POEA

Matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic ang industriya ng overseas employment.

Sa taya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 70 hanggang 75% ang ibinaba ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ipinadadala sa ibang bansa nitong 2020 kumpara sa mga nagdaang taon.

Ayon kay POEA Administration Bernard Olalia, apektado nito ang land at sea-based sectors.


Pero tiwala si Olalia na unti-unting makababangon ang overseas employment industry ngayong taon.

Facebook Comments