Nanawagan si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na bumuo ng Oversight Committee na sisilip sa mga utang ng bansa.
Hiniling ng kongresista na aprubahan na sa pagbabalik sesyon ang House Bill 8480 na layong bumuo ng Congressional Oversight Committee on Debt. Management para magkaroon ng sistema at para silipin na rin ang mga utang na pinapasok ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Iginiit sa panukala na mahalaga ang pagkakaroon ng transparency at accountability sa lahat ng utang ng gobyerno para sa epektibong check and balance.
Dapat ding maging bukas ito sa pagbusisi ng publiko upang malaman kung magkano, ano ang mga proyekto at kapalit sa likod ng mga loan agreements.
Pinasisilip din ng mambabatas kung tumutupad ang mga kasunduan sa pautang sa mga umiiral na batas at regulasyon sa bansa.
Layunin ng panukala na tiyaking hindi talo ang Pilipinas sa mga loan agreements partikular na ang pinasok na kasunduan sa China.