Magsasagawa bukas (June 25) ang Kamara ng isang oversight meeting upang siyasatin ang kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila at kalapit lugar.
Si outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpatawag ng pagdinig matapos i-akyat ang usapin sa kanya ni Local Water Utilities Administration (LWUA) acting Administrator Jeci Lapus.
Isa rin sa titingnan sa pagdinig ang pagbuo ng Department of Water.
Iniimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal mula sa LWUA, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Water Resources Bureau (NWRB), National Irrigation Authority (NIA), Department of Agriculture (DA), DBM, DENR, DPWH, NEDA at ang water concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Facebook Comments