OVERSPENDING | Presidential Legislative Liaison Office, nagpaliwanag sa COA report

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Office of the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na walang overspending sa kanilang tanggapan.

Ito ang sinabi ng PLLO sa harap narin ng report ng Commission on Audit na kumukuwestiyon sa paggastos ng PLLO sa mahigit 3 milyong piso para sa mga Consultants nito.

Ayon kay Secretary Adelino Sitoy, ang kasalukuyang technical at administrative power ng kanyang tanggapan ay hindi sapat para tugunan ang maraming trabaho o paperworks at administrative duties ng PLLO.


Paliwanag ni Sitoy, kwalipikado ang kanilang mga kinuhang legal professionals, skilled personnel at maging mula sa academe.

Binanatan din ni Sitoy ang Rappler dahil sa paglalabas ng COA report nang hindi kinukuha ang kanilang panig sa istorya kaya patunay aniya ito na ang Rappler ay nagpapakalat nanaman ng fake news.

Facebook Comments