OVERSTAYING | 4 na dayuhan, arestado sa magkakahiwalay na mga operasyon sa Baguio City, Binan, Laguna at Maynila

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan sa magkakahiwalay na mga operasyon sa Baguio City, Binan, Laguna at Maynila.

Kasama sa naaresto ay ang koreanong si Jin Jaehyung, 48 taong gulang, na overstaying na sa Pilipinas at isa ring undocumented alien kung saan wanted ito sa Korea dahil sa kasong fraud.

Arestado naman ang Japanese national na si Akitoshi Kadobayashi sa loob ng kanyang tanggapan sa Laguna Technopark Economic Zone sa Binan City, Laguna.


Nagtatrabaho si Kadobayashi sa Pilipinas bilang sales manager mula pa noong 2017 nang walang permit at visa.

Naaresto din sa Maynila ang dalawang Chinese na sina Li Yan Yan at Lin Feng Jian habang nagtatrabaho sa isang tindahan nang wala ring work permit.

Nakakulong na ang apat na dayuhan sa BI Detention Facility sa Bicutan, Taguig habang inihahanda ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments