Overstaying na mga dayuhan sa bansa, binalaan ng Bureau of Immigration

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga overstaying dayuhan sa bansa na sila ay maaaring ma-deport.

Partikular na binalaan ng BI ang mga dayuhan na wala nang kakayahan na suportahan ang kanilang sarili at nagiging pabigat na sa komunidad.

Ang babala ng BI ay kasunod ng pagkaka-aresto sa isang overstaying na Amerikano sa Samal Island, Davao del Norte.


Ang American national na si George Pasciolla, 51 ay inaresto ng immigration officers matapos na pagbantaan nito at i-harass sa text message ang kanyang kasintahan na Pilipina.

Ito ay dahil sa hindi raw pagbibigay ng pinansyal na suporta ng Pinay girlfriend sa dayuhan.

Facebook Comments