Overstaying ng mga OFW sa Russia, reresolbahin ni Pangulong Rodrigo Duterte

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga OFW sa Russia na ilalakad ng kanyang Administrasyon ang magkaroon ng kasunduan sa gobyerno ng Russia na luwagan ang restrictions sa pananatili ng mga Pilipino sa kanilang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Moscow, Russia, sinabi ng pangulo na inaasikaso na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang agreement sa Russia.

Ipinag-utos din ng pangulo ang Embahada ng Pilipinas sa Russia na payagan ang mga OFW na i-renew ang kanilang pasaporte sa Moscow kaysa sa umuwi sa Pilpinas.


Umapela ang pangulo sa mga OFW na sumunod sa mga batas ng Russia upang mapanatili ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinasalamatan ng pangulo ang Russian Government at si Pres. Vladimir Putin sa magandang pagtanggap nito sa mga Pilipino.

Facebook Comments