Manila, Philippines – Tatlo sa bawat sampung Pinoy na may edad 21 pataas ay overweight o obese.
Sa datos ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), mas laganap ang pagiging overweight sa mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan.
Ayon kay Health spokesman, Asec. Eric Tayag – maghinay-hinay sa pagkain para maiwasan ang iba’t-ibang sakit.
Batay aniya sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng maraming taba sa katawan sa bahagi ng tiyan ay nagpapataas ng panganib sa isang tao na magkaroon ng cardio-vascular disease at type-2 diabetes.
Facebook Comments