OVERWEIGHT? | Resulta ng independent audit sa Dalian trains na binili noon ng DOTC sa China, ilalabas na sa Mayo

Manila, Philippines – Sa ikalawang linggo na ng Mayo maipalalabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang resulta ng audit and assessment na isinasagawa sa Dalian trains na gawa sa China.

Ito ay matapos ang isinagawang weight testing ng independent audit and assessment firm na TUV Rheinland sa depot ng MRT-3 sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan, isang bahagi lamang ang naturang testing sa mahabang proseso ng pag-determina kung mapapakinabangan pa ang 48 Dalian coaches na binili ng nakaraang administrasyon sa halagang P3.8-b.


Una nang lumutang na ‘overweight’ ang mga bagon ng Dalian kaya at hindi magamit sa kasalukuyang kondisyon ng MRT-3.

Kumpiyansa si Li Depu, ang general manager of overseas business ng kumpanyang CRRC Dalian company limited na siyang nagbenta ng tren sa bansa na papasa ang kanilang tren sa weight testing.

Giit ng opisyal ng Dalian company, maganda ang performance at ligtas ang kanilang tren kaya at ipinagmalaki nito na kayang mapabuti ng 48 Dalian trains ang serbisyo sa publiko ng MRT-3.

Facebook Comments