OVP, binigyan ng mataas na rating ng COA

Sa ikatlong sunod na taon, binigyan ng Commission on Audit (COA) ng pinakamataas na audit rating ang opisina ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa OVP, binigyan sila ng mga state auditor ng “unqualified opinion” sa kanilang financial report para sa fiscal year (FY) 2020.

Anila, ang nasabing rating ay kumikilala sa masinop at pagsisikap ng OVP para siguruhing tumutupad sila sa rules and regulations ng mga oversight agencies at internal controls para matiyak ang wastong paggastos ng pera ng bayan.


Tiniyak naman ng OVP na bukas sila sa mga rekomendasyon at sisikaping isama ang mga ito sa kanilang pagbibigay ng mahusay at maaasahang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments