OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, nailipat na sa VMMC

Alas-1:44 ng hapon nang tuluyan nang nailipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.

Ibinaba si Atty. Lopez mula sa puting van na naghatid sa kanya mula sa St. Lukes Medical Center.

Isinakay si Atty. Lopez sa isang wheelchair at iniakyat sa isang bagong gusali na bahagi ng pasilidad ng VMMC.


Mismong si VP Sara Duterte ang naghatid at sumama kay Atty. Lopez sa VMMC.

Facebook Comments