OVP Chief of Staff Zuleika Lopez, isinugod sa ospital

COURTESY: House of Representatives of the Philippines

Isinugod sa ospital si OVP Undersecretary Zuleika Lopez matapos na magsuka at mahimatay dahil sa panic attack habang nasa loob ng detention facility ng Kamara.

Mag-a-alas kwatro kaninang madaling araw nang madala sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City si Lopez kung saan sinamahan siya ni Vice President Sara Duterte.

Kalauna’y inilipat siya sa St. Luke’s Medical Center.


Unang dumaing ng chronic backpain si Lopez pero hindi siya agad nadala sa ospital dahil ayaw umanong magpapasok ng ambulansya sa loob ng Batasan.

Bago ito, emosyonal siyang humarap sa virtual press conference makaraang ipag-utos ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang paglilipat sa kaniya sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City.

Facebook Comments