Handa ang Office of the Vice President (OVP) na magpaabot ng tulong sa search and rescue operation para sa mga posibleng nakaligtas sa pagbagsak ng C-130 tranport plane sa Patikul, Sulu kahapon.
Nabatid na nasa 96 na tao, kabilang ang tatlong piloto, limang crew members, at 88 pasahero ang sakay ng eroplano.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, nagtitiwala siya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang kaukulang ahensyang nagsasagawa ng Search and Rescue operation.
Nagpapaabot ng pakikiramay si Robredo sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay sa plane crash.
Ipinagdarasal ni Robredo ang kaligtasan ng iba pang hindi natatagpuan.
Nanawagan si Robredo sa mga Pilipino na ipagdasal ang mga pasahero, kanilang pamilya at sa mga nagsasagawa ng search and retrieval operation.