OVP, hindi naglalabas ng fit-to-work certificate para sa mga manggagawa

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi nag-iisyu ang kanyang tanggapan ng fit-to-work medical certificate para sa mga manggagawa.

Ang mga kumpanya at employer ay magre-require ng medical certificate para sa fit-to-work bago payagan ang kanilang mga manggagawa na makabalik sa trabaho o umpisahan ang job contract.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na may team ng volunteer doctors ang nagsabi sa Office of the Vice President (OVP) na hindi sila pwedeng maglabas ng medical certificate para sa fit-to-work dahil kailangan nilang pisikal na makita ang mga pasyenteng bibigyan nila ng certificate.


May ilang outpatients aniya ang kumonsulta sa kanilang Bayanihan E-Konsulta at umaasang makakakuha ng medical certificate.

Ang libreng teleconsultation service ay layong magbigay ng agarang tulong sa mga walang access sa doktor, ospital at iba pang medical information.

Layunin din ng programa ng OVP na mapaluwag ang mga ospital at maipaabot ang serbisyong medikal sa mga walang access nito.

Facebook Comments