OVP, inaalam kung itutuloy pa ang community learning hubs

Nagsasagawa na ng evaluation ang Office of the Vice President kung itutuloy pa ba nila ang operasyon ng community learning hubs.

Una nang iginiit ng OVP na nakipag-coordinate sila sa Department of Education (DepEd) para sa inisyatibong ito.

Ayon sa tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, nagkakaroon na sila ng assessment para rito.


Tanong ni Gutierrez kung mayroon karagdagang requirements ang DepEd lalo na at bahagi ito ng statement ni Secretary Leonor Briones.

Matatandaang inihayag ni Sec. Briones na hindi inaprubahan ng DepEd ang learning hubs ng OVP.

Aminado si Gutierrez na hind inaprubahan o ibinasura ng DepEd ang inisyatibo ng OVP pero hindi rin nila sinabi na kailangan pala ng kanilang approval.

Aabot sa 11 learning hubs sa iba’t ibang pilot sites sa bansa ang naitayo ng OVP at ng partners nito.

Facebook Comments