OVP, inanunsyo na wala na silang pondo para sa medical at burial assistance

Inanunsyo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na wala nang pondo ang Office of the Vice President (OVP) para sa medical at burial assistance ngayong taon.

Ayon sa OVP, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, hindi naaprubahan ang pondo para sa naturang mga programa.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin sa publiko ang OVP.


Sa nakalipas na taon, mahigit 187,000 na mga indibidwal ang natulungan ng OVP sa medical at burial assistance.

Ito ay may kabuuang budget na ₱822.3 million.

Facebook Comments