OVP, itinangging nakikipag-usap sa NDFP

Nilinaw ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Barry Gutierrez na walang intensyon ang Office of the Vice President (OVP) na direktang makipag-usap para sa pangkapayapaan sa National Democratic Front Peace (NDFP) panel.

Ani Gutierrez, bagama’t mahalaga ang papel ng peace talks sa pagresolba sa dekada ng armed conflict, kinakailangang dumaan ito sa official channels.

Pero hindi aniya ito sakop ng Office of the Vice President.


Dagdag pa ni Gutierrez, dapat munang alamin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang nakukuha nitong impormasyon at hindi mag-react sa mga komento ng mga trolls sa social media.

Facebook Comments