OVP, maglulunsad ng COVID-19 tracker

Ilulunsad ngayong araw ng Office of the Vice President ng COVID-19 tracker batay sa mga datos ng Department of Health (DOH).

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ang COVID-19 Data Tracker ay naaayon sa international standards na itinakda ng The Lancet, isang nangungunang medical journal.

“Mayroon siyang (The Lancet) mga international standards na ginagamit na sinusubukan naming gawin ng parang local version iyon para mas maayos iyong ating pag-analisa,” ani Robredo.


Umaasa si Robredo na ang tracker ay makatutulong sa COVID-19 response ng mga lokal na pamahalaan.

“Kapag nakita nila iyong numbers ay maga-guide sila nito. Maga-guide sila kung ilan dapat iyong tina-target nila na contact tracing, ilang dapat iyong tina-target nila na testing,” sabi ni Robredo.

Batay sa rekomendasyon ng The Lancet, nasa 20 indibiduwal dapat ang kailangang matunton at ma-test sa bawat isang taong magpopositibo sa COVID-19.

Sa rankings ng The Lancet, ang Pilipinas nasa ika-66 na pwesto mula sa 91 bansa sa pagtugon sa COVID-19.

Facebook Comments