Nangako ang Office of the Vice President (OVP) na mas pasisiglahin pa ang paghahatid ng serbisyo sa publiko matapos mapanatili ang nakuhang International Organization for Standardization certification.
Taong 2017 nang unang makuha nito ang ISO 9001:2015 certification.
Ayon sa OVP, isa itong patunay na nakatugon ang OVP sa international standard and requirements para sa quality management system.
Batay sa ISO website, ang mga organisasyon na mayroong ISO 9001:2015 standard ay mayroong business benefits na direktang magbebenepisyo sa publiko.
Facebook Comments