OVP, naglabas ng breakdown ng travel expenses ngayong taon

Naglabas ang Office of the Vice President (OVP) ng kanilang breakdown ng 2025 travel budget.

Sa naturang breakdown, lumalabas na as of July 31, 2025, ang OVP ay may  total allocation na ₱62.5 million para sa international at domestic travel.

Sa ngayon ay nasa ₱20.68 million pa lamang ang nagagastos ng OVP mula sa naturang travel budget.

₱7.47 million dito ay sa international travel na ginastos sa  security at sa OVP personnel.

Habang sa domestic travel ay ₱13.2 million, na ang nagagastos ng OVP, kung saan ginamit ito sa  ceremonial, executive, at program-related activities sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Lumalabas din na walang kinuhang  pondo sa OVP travel budget si Vice President Sara Duterte para sa kanyang  personal travels.

Facebook Comments