OVP, naglagay ng cap sa bilang ng mga pasyenteng tatanggapin kada araw sa Bayanihan E-Konsulta

Lilimitahan na ng Bayanihan E-Konsulta ng Office of the President ang bilang ng pasyenteng aasistihan nito kada araw.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, mula sa halos 1,000 pasyente ay 400 kada araw na lamang muna ang kanilang maaasikaso.

Aniya, nais din kasi ng kanilang mga volunteer doctors na mabigyan ng de kalidad na atensyong medikal ang mga pasyente.


“Dati kasi wala kaming cap, ang problema dun, lumolobo yung hindi namin nababalikan agad. Kapag hindi namin nababalikan agad, ang sama sa pakiramdam kasi kapag nabalikan namin, minsan, malala na o wala na. So ngayon, gusto namin siguruhin na maasikaso namin each and every patient,” paliwanag ni Robredo.

Maliban dito, kahit marami silang volunteers ay apat lamang na doktor ang full-time na tumutulong sa Bayanihan E-Konsulta.

“Syempre volunteer-driven kami, hindi rin kami maka-impose sa mga doktor na mag-full time. Kahit ang dami naming volunteer doctors may nagdu-duty pa rin sa ospital, sa clinic. So magdu-duty samin, spare time lang,” sabi ng bise presidente.

“Nagpapasalamat nga kami kasi kahit ang tagal na, kahit busy sila sa kanilang sariling full-time job, nakukuha pa nilang mag-volunteer sa amin,” si VP Leni sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Facebook Comments