OVP, naglunsad ng donation drive ng mga gadgets para sa nalalapit na pasukan sa Agosto

Hinimok ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko na mag-donate ng mga gadget para sa mga mahihirap na mag-aaral kaugnay ng implementasyonng online learning sa nalalapit na pasukan.

Sinimulan na ng OVP nitong Martes ang gadget donations na kinabibilangan ng mga smartphone, tablet, computer, laptop at desktop computer kung saan inirerekomenda rin ng opisina ang iba pang kagamitan tulad ng charger.

Inaasahang maglalabas ang opisina ng iba pang detalye hinggil sa nasabing donation drive.


Maliban sa OVP, may iba pang pribadong indibidwal at grupo ang naglunsad na rin ng donation drive at fundraising program para tulungan ang mga mag-aaral sa paghahanda ng mga ito sa kanilang pag-aaral sa gitna ng kawalan ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments