OVP, nanawagan sa Palasyo na huwag balewalain ang mga problema sa pandemya

Hindi dapat maging “in denial” ang pamahalaan sa mabagal na pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng Office of the Vice President (OVP) matapos balewalain ng Palasyo ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa gobyerno na pagbutihin ang pandemic response.

Ayon sa tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, dapat makinig ang pamahalaan dahil hindi naman ito pulitika.


Para aniya ito sa kapakanan at kabuhayan ng mga tao.

Dagdag pa ni Gutierrez, hindi dapat nagbibingihan at nagbubulag-bulagan ang gobyerno sa estado ng bansa.

Ang mga lumalabas na assessments ng iba’t ibang institusyon ay dapat gamiting motibasyon para matukoy ang mga pagkukulang sa polisiya at mapahusay ang pagtugon sa pandemya.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nananatiling maganda ang COVID-19 response ng gobyerno, batay sa ulat ng World Health Organization (WHO) na pang-32 ang Pilipinas sa total number of cases at pang-72 sa case fatality rate.

Facebook Comments