Nanindigan ang Office of the Vice President (OVP) na walang ginagawang face-to-face classes sa Community Learning Hubs.
Matatandaang inulan ng batikos ang OVP dahil sa pagpupursige ng inisyatibo kahit hindi inaprubahan ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, ang intensyon ng learning hubs ay magbigay ng space sa mga estudyante na walang resources para sa distance learning.
Muli ring iginiit ni Gutierrez, na nakipag-coordinate sila sa DepEd sa national at local levels.
Hindi rin nila kailangang humingi ng written approval lalo na at sinabi ng kagawaran sa simula na maganda itong inisyatibo.
Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na walang silang partnership sa OVP para rito.