OVP, patuloy na maghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na patuloy ang kaniyang tanggapan, ang Office of the Vice President (OVP) na maghatid ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan, lalo na sa mga lugar na matinding tinamaan ng kalamidad.

Sa kanyang pagbisita sa Dingalan, Aurora, sinabi ni Robredo na patuloy na maghahanap ng paraan ang OVP para makapaghatid ng tulong sa mga komunidad kasunod na rin ng pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Nais ding siguruhin ni Robredo na makakapagbigay ng tulong kaniyang opisina sa mga matinding tinamaan ng sakuna.


Sa kabila ng limitadong pondo at mandato, patuloy na naghahatid ng tulong ang OVP sa mga komunidad sa ilalim ng ‘Angat Buhay’ program.

Facebook Comments