OVP, patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga LGU para sa tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Crising at habagat

Inihahanda na ang Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC) ang karagdagang relief items na ipamamahagi sa mga apektado ng Bagyong Crising at southwest monsoon o habagat.

Naglaan ang OVP-DOC ng relief item sa 5,900 families sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Sa ngayon nakapagpadala na ang OVP-DOC ng 2,900 relief boxes sa mga residente ng Western Visayas at Northern Luzon.

Ngayong araw, ide-deliver naman ang karagdagang 3,000 boxes sa Pangasinan.

Ang bawat relief box ay naglalaman ng food packs, hygiene kits, kumot, sleeping mats, mosquito nets o kulambo, tsinelas, expandable water jugs, at iba essential supplies.

Facebook Comments