OVP, pinauubaya na sa Committee on Appropriations ang pag-apruba sa kanilang budget

Ipinauubaya na ng Office of the Vice President (OVP) sa House Committee on Appropriations ang pag-apruba sa kanilang panukalang budget para sa fiscal year 2025

Sa pahayag ngayong araw ng OVP, kanilang binanggit na una nang nagpaliwanag si Vice President Sara Duterte sa hindi nito pagdalo sa budget hearing.

Nakapag sumite na kasi ang OVP ng mga kailangang documentation sa House of Representatives – Committee on Appropriations.


Kasama na ang detailed presentation on ng proposed budget.

Nabatid na ₱2.037 billion ang hiling na budget ng OVP sa 2025.

Facebook Comments