Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang bagong Commission on Audit (COA) annual financial report.
Batay sa report ng COA, ang Office of the Vice President (OVP) ay may mababang ‘intelligence funds’ mula sa mga government offices na may ₱547,000.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang OVP ay walang confidential at intelligence funds noong 2019 taliwas sa lumabas na COA report.
Pinuna rin ni Robredo ang paggamit ng administrasyon ng P13 billion na intelfunds noong 2019 lalo na at maaari itong magamit para sa mga mahihirap.
Ang nasabing halaga ay hindi dumaan sa auditing.
Iniulat ng COA na gumastos ang Duterte administration ng ₱13.46 billion para sa intelligence noong 2019.
Ang intelligence fund expense ay nagkakahalaga ng 6.12 billion pesos, habang ang extraordinary at miscellaneous expenses ay nasa 4.77 billion pesos.
Nasa 2.57 billion pesos ang confidential expenses.