OVP, walang isinumiteng request at justification sa Senado para madagdagan ang pondo

Nilinaw ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe na hindi nakapagsumite ng request at paliwanag para sa hinihinging dagdag na pondo ang opisina ni Vice President Sara Duterte.

Kung matatandaan, mayroon na umanong pitong senador ang nakausap ni Senator Joel Villanueva ang pabor na taasan nang bahagya ang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Poe, mula nang magdaos sila ng committee hearings hanggang sa budget deliberation sa plenaryo ay walang isinumite ang OVP na mga dokumento na susuporta para sa dagdag na budget.


Ito ang dahilan kaya hindi na nabigyan ng dagdag na pondo ang OVP sa susunod na taon na aabot sa ₱733 million.

May tiyansa pa naman aniya na maihabol ng OVP ang adjustment sa budget kapag nakapagsumite ang tanggapan ng mga dokumento sa pagsalang nito sa bicameral conference committee.

Facebook Comments